Liwanag at Dilim

Emilio Jacinto
The Brains of Katipunan, Emilio Jacinto.

Welcome to this topic entitled Liwanag at Dilim. Liwanag at dilim is the political, philosophical and literary masterpiece written by Emilio Jacinto, the Brains of Katipunan. Being the best-friend of Andres Bonifacio, Emilio Jacinto served as his secretary and adviser. He likewise served as editor of Kalayaan (Freedom), the official newspaper of Katipunan. In his writings, he used Dimas-Ilaw as pen name. After the death of Bonifacio, he became a general of the revolution where he died due to bullet wounds in Majayjay, Laguna. Liwanag at dilim is a very passionate plea addressed not only to the Tagalogs but to all the Filipinos in the entire archipelago. The aim is to educate and enlighten the whole Filipino race about their sacred duty and obligation to uphold the rule of law and treasure the tenets of love, loyalty, and above all, patriotism. So, hang on and join me as we examine closely the message Liwanag at Dilim wants to convey.

“Ang kalayaan ng tao ay ang katwirang tinataglay na talaga ng pagkatao na umisip at gumawa ng anumang ibigin kung ito’y di nalalaban sa katwiran ng iba.” ~ Emilio Jacinto

Intended learning outcomes

At the end of this topic, you should be able to:

  1. Explain the historical background of Liwanag at Dilim as a political, philosophical and literary  composition during the revolutionary period;
  2. Discuss the theme/message of the Liwanag at Dilim.

Historical background

Emilio Jacinto y Dizon was considered as one of the greatest military genius during his time. He was very close to Andres Bonifacio. Like Bonifacio, Emilio also comes from a poor family. He was born in Trozo, Manila on December 15,1875. His parents were Mariano Jacinto and Josefa Dizon.

Despite being orphaned, he managed to send himself to Colegio de San Juan de Letran. He was also able to study law at the University of Santo Tomas although he was not able to finish it because his Spanish classmates often abused him.

Emilio was only 19 when he joined the Katipunan. He was known as the brains of the Katipunan when it comes to military matters. His book entitled Kartilya was the one used by the Katipuneros as their guide in fighting the Spanish colonizers. It contained the constitution and by-laws of the Katipunan.

Reading books was one of Emilio’s greatest passions. One of his favorite books was the one about the French Revolution. He also has in his collection a book on how to make gunpowder and dynamite. He also learned quite a few things about the art of war, military strategies and ways of making weapons of war.

Liwanag at Dilim

Ang Ningning at Liwanag

Ang ningning at liwanag ay nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabigham sa ningning. Sa katunayan ng masamang naugalian. Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin? Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghirap sa pinapasan? Tayo’y mapapangiti at isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay. Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.

Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga nayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita. Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalo na ang mga hari at mga Pinuno na pinagkakatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihang sukdang ikanais at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng maningning. Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahinain ng puspos na galang ay ang maliwanag at magandang asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang magpapaningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas na katwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag magpamalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin, at maliwanag na napapatanaw sa paningin.

Ang lumipas na pinapanginoon ng Tagalog ay labis na nagpapatunay ng katotohanan nito. Mapalad ang araw ng liwanag! Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuhang halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

Kalayaan

Ang kalayaan ng tao ay ang katwirang tinataglay na talaga ng pagkatao na umisip at gumawa ng anumang ibigin kung ito’y di nalalaban sa katwiran ng iba. Ayon sa wastong bait, ang katwirang ito ay siyang ikinaiba ng tao sa lahat ng nilalang. Ang hayop ay sinusupil at nilulubiran sapagkat di nakatatanto ng matwid at di matwid, di nakaaabot ng dakila at magandang gawa. Liban sa tao lamang ang makapagsasabi ng ibig ko’t di ko ibig kaya’t ayon sa bagay na kanyang inibig o di inibig siya’y magiging dapat sa tawag na mabuti o masama, sa parusa o sa palo.

Kung sa tao’y wala ang kalayaan ay dili mangyayaring makatalastas ng puri, ng katwiran, ng kagalingan, at ang pangalang tao’y di rin nababagay sa kanya. Ay! Kung sa mga Bayan ay sukat nang sumupil ang kulungan, ang panggapos, at ang panghampas katulad din ng hayop ay dahil sa ang mga A.N.B. ay di tao, pagkat ang katwiran ng pagkatao ay namamatay na sa kanilang puso.

Kung sa santinakpan ay walang lakas, walang dunong na makakakayang bumago ng ating pagkatao, ay wala rin namang makapakikialam sa ating kalayaan. Ang Kalayaan ay biyaya ng langit at hindi ng dilang kagalingan at magandang asal.

Bakit nga, bakit natin ipagkakaloob sa kapangyarihan ng lupa ang ipinagkaloob sa atin ng kapangyarihan ng langit? Gayunman, ang karamihan ng mga Bayan ay lagi nang humihila ng tanikalang mabigat ng kaalipinan. Ang kakapalan ng tao’y iniinis ng iilang panginoong itinatanggi.

Ang Anak ng Bayan ay lagi nang inaagawan ng bunga ng kapaguran niyang sarili upang mamalagi at madagdagan ang kapangyarihan at bagsik ng Namamahala at Pamahalaan (Gobyerno) na dahil sa pagkaliyo sa mabangong suob ng mapagpuring kaakbay ay nakalilimot tuloy na ang kanilang buong lakas, kalakhan, at kataasang ipinatatanghal ay galing na lahat sa mga kampong inaalipin at ibinabaon sa dalita.

Madalas namang mangyari na ang Kalayaan ay sinasakal ng mali at bulag na pagsampalataya, ng mga laon at masasamang ugali, at ng mga kautusang udyok ng mga akalang palamara. Kung kaya may katwiran ay dahil may kalayaan. Ang Kalayaan nga ay siyang pinakahaligi, at sinumang mangapos na sumira at pumuwing ng haligi at upang maigiba ang kabahayan ay dapat na pugnawin at kinakailangang lipulin.

Kung ang Kalayaan ay wala, dili mangyayari ang ganito: Na ang tao’y bumuti sapagkat ang anumang gagawin ay di magbubuhat sa kanyang pagkukusa. Maraming hayop, lalo na sa ibon, ang namamatay kung kulungin dahil sa pagdaramdam ng pagkawala ng kanilang Kalayaan. Diyata’t ikaw na itinanging may bait sa Sandaigdigan ay daig pa ng hayop? Ang salitang Kalayaan ay nakapaninibago sa tainga at marami pa sa aking mga kababayan ang di nakaabot ng tunay na kahulugan.

Kung ang Kalayaan ay wala, ang kamatayan ay makalibo pang matamis kaysa kabuhayan. Ang umiibig at nagpapakamatay sa dakilang kadahilanan ng Kalayaan ay umiibig at nagpapakamatay sa kadahilanan ng Maykapal, ang puno’t mula ng katwiran na dili maaaring magkaroon kung ang Kalayaan ay wala.

Bakit ang Tagalog ay kulang-kulang na apat na raang taong namuhay sa kaalipinan na pinagtipunang kusa ng lahat ng pag-ayop, pagdusta, at pag-api ng kasakiman at katampalasan ng Kastila? Dahil kanyang itinakwil at pinayurakan ang Kalayaang ipinagkaloob ng Maykapal upang mabuhay sa kaginhawaan; at dahil dito nga’y nawala sa mga mata ang ilaw at lumayo sa puso ang kapatak mang ligaya.

Ang Tao’y Magkakapantay

Ang lahat ng tao’y magkakapantay sapagkat iisa ang pagkatao ng lahat. Anung ganda, anung liwanag ng katotohanan ito! Sino kaya ang pangahas na makapagsasabing higit ang kanyang pagkatao at tangisa pagkatao ng kanyang mga kapwa?

Datapwat sa lahat ng sulok ng lupa ay naghari at nagkaroon ng mga pangahas na ito, kaya nga’t lumabo ang ganda’t liwanag ng dakilang katotohanan, at ang kaguluhan, ang luha, ang dugo, ang kasukaban, ang kadiliman ay lumaganap sa Sansinukuban.

“Kayong lahat ay magkakapantay, kayong lahat ay magkakapatid,” sinabi bi Kristo. Ngunit ang nagpapanggap na mga kahalili Niya, alagad at pinakahaligi ng Kanyang mga aral ay siyang kauna-unahang napakilalang natatangi sa madla; at ang bulag na tao’y naniwala sa kanila, dahil sa matinding pagsampalataya na sumusunod nga sa aral ni Kristo.

“Ang tao’y magkakapantay,” sinabi ng mga amang maiirugin ng Sangkatauhan; at ang sabing ito’y tumalab hanggang sa kaibuturan ng puso. Ang ulong may putong na korona ni Luis XVI ay nalaglag; maraming setro ang nanginig sa kamay at umuga ang luklukan ng mga hari; sampu ng mga marangyang kahalili at alagad ni Kristo ay kinasuklaman at inilagan na katulad din ng pag-ilang sa ulupong.

Ang lahat ng tao’y magkakapantay sapagkat iisa ang pagkatao ng lahat. Ito’y siyang katotohanang tunay; ito ang itinatag ng katalagahan ng lumalang ng lahat; ito ang ilaw ng pag-asa na matatapos din ang pagkainis at titigil din sa mata ng tao ang pagdaloy ng luha.

Kung itinititig ang mga mata ko sa kahambal-hambal na kaanyuan ng mga Bayan, ay! Di ko mapigilan na maniig sa puso ang matinding kalungkutan. Kung minsan ang katotohanang ito ay niyuyurakan ng kaliluhan sa tulong ng tingga ng baril at ng tanikala ng bilangguan, dahil sa di pagkakaisa at karuwagan ng mga Bayan. Kung minsan naman ang kaliluhan ay nagdadamit – mahal at ang mga hamak niyang kaakbay ay di kinukulang ng maririkit na katwirang ipinapatay sa ginagawang mga paglapastangan sa matwid at sa pagkakapantay ng tao, na tinatanggap naman ng Bayan dahil sa kanyang kabulagan.

Datapwat ang katotohanan ay walang katapusan; ang matwid ay hindi nababago sapagkat kung totoo na ang ilaw ay nagpapaliwanag, magpahanggang kailanman ay magpapaliwanag. Kung may matwid ako na mag-ari ng tunay na sa akin, kapag ako’y di nakapg-ari ay di na matwid.

Kaya nga’t may panahon din na dapat antayin na ang sigaw ng katotohanan ay sasapit sa mga isip na kinakalong ng kadiliman, at ang matwid ng pagkakapantay-pantay ng tao ay yayakaping tunay ng mga pusong nahihimbing sa kalikuan. Huwag umasa na ang araw na ito ay katumbas din ng di paniniwala sa pagka-Diyos ng Diyos.

O ikaw na pinopoon sa kataasan, di mo baga talos na ang dinaramdam ng mababa kung iyong inaapi ay siya mo ring daramdamin kung ito’y sa iyo gawin?

Ikaw na mayaman: Di mo ba naaabot na ang hapdi ng loob mo kung aalisan ka ng iyong mga kayamanan ay siya ring hapdi ng loob ng mahirap kung inaagawan ng kapos na upa ng kanyang mga kapalagan?

Kayong malalaki, na umaasa sa kamahalan ng inyong dugo at sa katwirang taglay ng inyong kalakhan na sumakop at lumapastangan sa inyong mga kapwa, sandaling bukahin ang mapagmarunong na pag-iisip sa mga halimbawang sinabi at makikilala ninyong lubos na ang lahat ng tao ay tunay ngang magkakapantay.

Datapwat huwag akalain ng sino pa man na ang pagkakapantay ng tao ay nalalaban sa kataasang kinakailangan ng mga pinunong dapat na mamahala ng Bayan. Hindi nga nalalaban, sapagkat ang kanilang kataasan ay nabubuhat sa Bayang kumikilala sa kanila. Ngunit ang sarili nilang pagkatao ay kapantay din ng pagkatao ng lahat.

At dahil ang tao ay tunay na magkakapantay at walang makapagsasabing siya’y lalong tao sa kanyang kapwa, ang sino pa man nga na sa sarili niya lamang at sa tulong ng iilang mapagmapuri ay lumukloksa kataasan ng kapangyarihan at mangangahas na magpakilalang una’t mataas sa lahat, ito’y isang sukab na loob na ibig maging panginoon – na nagsasabi ng katwiran ngunit umuuyam sa matwid, na nagsasabi ng kaginhawaan ngunit umiinis at nagpapadalita. Sa walang likat na pagpupuri ng kanyang mga lilong katulong at kaakbay, namamahay tuloy sa paniniwala na siya’y tunay ngang hinirang ng langit na maging panginoon at kanyang magagawa ang balang nasain ng kanyang pagkapanginoon. Ang kanyang mga hamak na Galamay ay katulad ng aso na napasusupil sa kanya upang makasupil sa iba na katulad ng halimaw at magkasalo sila sa pag-inom ng dugo ng Bayan.

Inyong masdan ang kinasasapitang kahambal-hambal kung ang pagkakapantay-pantay ng tao’y ibinabaon sa dilim ng limot at siphayo. Kung iginagalang ang hangin ng kapalaluan, ang bula ng kayamanan ay lalong dapat na igalang ang magbubukid na nabababad sa ulan at nabibilad sa araw upang mabuhay ang lahat ng bunga ng kanyang pinagpaguran!

Ang Pag-ibig

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala ngang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig.

Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang Maykapal, ang kapwa tao ay siya lamang na mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig, siya lamang na mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig, siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at di matwid ay ninasa rin ng loob ay hindi ang pag-ibig ang may udyok kundi ang kapalaluan at ang kayamuan.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga Bayan ay dili magtatagal, at kapagkarakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkaka-pisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis. Ang pag-big, wala na kundi ang pag-ibig, ang makaaakay sa tao sa mga darakilang gawa sukdang ikawala ng buhay sampung kaginhawaan.

Ngunit ang kadayaan at katampalasan ay nag-aanyong pag-ibig din kung minsan, at kung magkagayon na ay libo-libong mararawal na pakikinabang ang nakakapalit ng kapatak na pagkakawanggawa, na nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na nahaharuyo sa ganitong pag-ibig!

Ang pag-ibig, wala na kundi ang pag-ibig, ang taning bina-balungan ng matatamis na alaala ng nagdaan na at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at kadustaan, ang pag-ibig ay siyang nagiging dahil lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.

Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi ng kasanggulan? At mabubuhay kaya naman ang mga anak sa sarili nila lamang? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalong matamis pa sa buhay ng matanda na nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang mga pagod na mata ay walang malingapang makapag-aakay at makaaliw sa kanyang kahinaan.

Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng ating kamuntik na kaluwagan; ang pagtatangkakal sa naaapi hanggang sa damayan ng panganib at buhay; ang pagkakawanggawa na lahat kung tunay na umusbong sa puso – alin ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan. Kailan pa ma’t sapin-sapin ang dagan ng pinapasan ng Bayang lipos sa kadukhaan at lungkot ay dahil ang tunay na pag-ibig ay di siyang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan. Sa aba ng mga Bayang hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag-ibig!

Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangan pagdadamayan at pagkakaisang nagbibigay ng di-maulatang lakas, maging sa pag-aabuluyan at pagtutulungan ng isa’t isa, maging sa pagsasanggalang ng mga banal na matwid ng kalahatan.

Sa aba ng mga Bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak na pagsasarili! Ang masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan, at inuulalan pa’t pinapasukan ng mga pagkakaalit, kaguluhan, pagtataniman, at pagpapatayan, sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan na ang Anak ng Bayan ay magkabukod-bukod upang kung mahina na’t dukha sa mga pag-iiringan ay makapagpasasa sila sa kanyang kahinaan at kadukhaan.

O, sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?

Ang pagkakaisa na siya niyang kauna-unahang nagiging bunga ay siyang lakas at kabuhayan; at kung at kung nagkakaisa na’t nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay magaang pasanin at ang munting ligaya’y nilalasap na malaki. Kung bakit nangyayari ang ganito ay di matatalos ng mga pusong hindi nagdadamdam ng tunay na pag-ibig sa kapwa.

At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nitong magugulong talata: Mapagnanakawan mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan ang iyong ina’t mga kapatid? Hindi nga, sapagkat sila’y iyong iniibig, at bagkus pang dadamayan ng dugo at sampu ng buhay kung sila’y makikitang inaapi ng iba.

Gayon din naman kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid. Mawawala ang mga pag-aapihan, ang lahat ng nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.

Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala. Ang mga tapat na nais at ang tinatawag na marunong ay ang mabuting magparaan upang magtamasa sa dagta ng iba; at ang tinatawag na hangal ay ang marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.

Maling mga isip at ligaw na loob ang nananambitan. Hinggil sa mga hirap ng tao na inaakalang walang katapusan! Sukat ang mamahay at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.

Ang Bayan at ang mga Gobyerno (Pinuno)

Ngayong bumanag na sa langit na ating sinisilangan ang liwayway ng Kalayaan, at ang landas ng tunay na ligaya ay siyang naging panatang lalakaran, hanggang sa masapit ang hangganan ng nais, ngayon nga dapat na tantuin ng Anak ng Bayan ang maraming bagay na di maaaring kanyang natanto sa kapanahunang inaalipin ng Kastila.

Ang mga bagay na ito ay kinakailangang maalaman, pagkat siyang bulaklak kung baga sa bunga, ang hangin kung baga sa layag, at dahil sa nagtuturo na kung ano ang Bayan at kung ano ang Gobyerno upang maging tunay at manatili sa isa’t isa ang bigat na dapat taglayin sa timbangan ng katwiran.

Kailan pa ma’t dili ito ang siyang mangyayari ay nalilihis ng daan, at ang lalong magagandang nasa at akala ay pangarap na mistula, at ang maririkit na talumpati’t pangungusap ay marayang hibo.

O, Anak ng Bayan! Dili-dilihin mong palagi ang iyong pinu-hunang duho at mga kahirapan, ang iniubos mong lakas at pagpupumilit na ang puri’t katwirang nakalugmok ay mapabangon sa panibagong buhay. Iyong dili-dilihin, at ikaw ay manghihinayang, kung muling maagaw ang iyong mga matwid sa kanylagan mo’t kahinaan ng loob.

Huwag mong kalimutan na ang bagong pamumuhay ay nangangailangan ng bagong ugali.

At sino ang makapagsasabi? Maaaring mamahala ang mga hangal at lilong Pinuno, na mag-akala ng sa sarili bago ng sa iyo, at salawin ka sa ningning ng kanilang kataasan at mga piling pangungusap na nakalalamuyot. Kinakailangan ngang matalastas mo’t mabuksang tuluyan ang iyong pag-iisip, nang makilala mo ang masama at mabuting Pinuno, at nang huwag masayang ang di-masukat mong mga pinuhunan.

Ang bayan na dito’y sinasabi ko ay hindi ang kapisanan ng mga taong nananahan sa gayong lugar, kundi ang katipunan ng lahat ng Tagalog; ng lahat na tumubo sa Sangkapuluan.

Dapwat ang alinmang katipunan at pagkakaisa ay nangangai-langan ng isang pinakaulo, ng isang kapangyarihang una sa lahat na sukat makapagbigay ng magandang ayos, makapagpanatili ng tunay na pagkakaisa at makapag-akay sa hangganang ninais, katulad ng sasakyang itinutugpa ng bihasang piloto, na kung ito’y mawala ay nanganganib na maligaw at abutin ng kakila-kilabot na kamatayan sa laot ng dagat, na di makaaasang makaduduong sa pampang ng maligaya at payapang kabuhayang hinahanap.

Ang pinakaulong ito ay siyang tinatawag ng Pamahalaan o Gobyerno at ang gaganap ng kapangyarihan ay pinangangalanang mga Pinuno ng Bayan. Ang kadahilanan nga ng mga Pinuno ay ang Bayan, at ang kagalingan at kaginhawaan nito ay siyang tanging dapat tunguhin ng lahat nilang gawa at kautusan.

Ano pa mang mangyayari, ang mga Pinuno ay siyang mananagot. Tungkol nila ang umakay sa Bayan sa ikagiginhawa. Kailan pa ma’t maghirap at maligaw ay kasalanan nila.

At kung ang nagkakasala sa isang tao ay pinarusahan, ano kaya ang nararapat sa nagkakasala sa Bayan, sa yuta’t yutang mga kapwa? Sakali’t ang pagkaligaw ay dahil di nababatid ang daan, ano’t hindi pinabayaang mag-akay ang isang nakaaalam?

Lisanin na natin ang pag-uugaling dinadala ang dating pani-niwala na ang mga Pinuno ay panginoon ng Bayan at magaling ang kaginhawahan ng lahat ay siya nilang tungkol upang huwag nilang makalimutan.

Ako’y naniniwala at lubos kong pinananaligan na ang kaluwagan ng alinmang Bayan ay sa kanya din dapat na hanapin. Ang Bayang nakakikilala at umiibig sa matwid, na inaakay ng kabaitan at mahal ang kaasalan, ay di pababahala sa kangino pa mang panginoon, di paiilalim sa kapangyarihan ng lakas at daya. Di aalalay sa palalo’t masibang kaliluhan na maghari sa taluktok ng kataasan.

Kaya nga’t dahil sa ito’y siya kong pinaniniwalaan ay siya ko namang ipinaliliwanag sa Anak ng Bayan, pagkat sa paraang ito lamang makakalimutan na’t di na masasabi kailanman sa atin ang sumusunod na mga titulo ni Baltazar:

“Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo at ang kabaitan kimi’t nakayuko.”

Nakita na nga natin na ang lahat ay magkakapantay; at ang kataasan ng mga pinuno ay di tinataglay ng sarili nilang pagkatao pagkat sila’y kapantay din ng lahat.

Kaya nga’t ang alinmang kapangyarihan upang maging tunay at matwid ay sa Bayan lamang at sa kanyang mga tunay na Pinaka-katawan dapat na manggaling. Sa madaling salita, di dapat nating kilalanin ang pagkatao ng mga Pinuno na mataas kaysa madla. Ang pagsunod at pagkilala sa kanila ay dahil sa kapangyarihang ipinagkaloob ng Bayan, suma-katwid, ang kabuuan ng mga kapangyarihan ng bawat isa.

Sa bagay na ito, ang sumusunod sa mga pinunong inilagay ng Bayan ay dito sumusunod, at sa paraang ito’y nakikipag-isa sa kalahatan. At ang pakikipag-isang ito ay siyang daang tangi ng kaasyusang kinakailangan ng kabuhayan ng Bayan.

Ito’y siyang paraan lamang upang ang malupit at marayang kaliluhan na ngayo’y lumagpak na ay huwag na muling magbangon at magdamit-bayani o tagapagtanggol kaya ng Bayan at kalayaan. Na kung magkaganito ma’y kanyang ililihis ang katwiran, iinisin ang Bayan at sasakalin ang kalayaan sa dahilang hango din kunwari sa tatlong bagay na ito at kawili-wiling dinggin.

Wala na ngang makapangangalaga sa sarili na gaya ng tunay na may katawan. Gayundin naman ang Bayan. Upang huwag magaga, huwag maapi, kinakailangang magkaloobito na kunilala at tumakwil sa mga lilong may balatkayo.

Sa katahimikan ng bawat panig ng Bayan at kaalwanan ay hindi maaaring di pamagitanan ng isang kataas-taasang kapangyarihang hango sa kabuuan at laan sa laging pagkakaisang binhi ng lakas at kabuhayan.

Magbuhat nga sa lalong mataas na pinuno hanggang sa kahu-lihulihang mamamayan ay dapat na gumamit ng lubos na pitagan at pagtupad sa mga pasiya ng kataas-taasang kapangyarihang ito na hinahango sa kabuuan at ginaganap sa kaparaanan ng kapisanan ng mga Pinakakatawan ng Bayan o Kongreso.

Ay! Ngunit ang tunay na nararapat at ang katwiran ay madalas na guluhin at takpan ng malabis na paghahangad ng karangalan, ng lampas na pag-iimpok sa sarili, at ng gumigiit na gawing masasama.

Ang kapangyarihan ng mga Pinuno ay dapat na iasa lamang sa pag-ibig at pagmamahal ng Bayan, na dili mangyayaring makamtan kundi sa maganda’t matwid na pagpapasunod.

Anung laking kamalian ng mga pusong maisip na nagpupumilit magpasikat ng kapangyarihan sa kaparaanan ng lakas ng baril! Mga pikit na mata! Aayaw kumuhang halimbawa sa mga nangyaring kakilakilabot sa mga nagdaang panahon! Wala nang magaang akayin na gaya ng mga loob na tapat; datapwat wala namang napopoot na gaya nila laban sa di matwid at mararahas na paraan at sa hamak na pagpapakumbaba.

Lagi nang sinasambit ang katwiran ng mga Pinuno at ang mga utang na loob sa kanila ng Bayan. Ito’y siyang karaniwang nakikita sa mga Pamahalaan. Datapwat ang Bayan ang siyang may katwiran, pagkat ang tungkol at matwid ng mga Pinuno ay laan at pawang dapat na isukat sa kapakinabangan at niloloob ng Bayan. Iilan ang nakatatatanto o ibig tumanto ng katotohanang ito.

Ang kaginhawahan, wala na kundi ang kaginhawahan ng Bayan, ang siyang talagang katwiran at kadahilanan, ang simula’t katapusan, ang hulo’t wakas ng lahat ng katungkulan ng mga tagapamahala.

Ngunit ang kaginhawahang ito’y madalas agawin at hatiin kung ang mga karangalan ay kinakamtan ng mga sukab na mapagmapuri, kung ang mga pala at katwiran ay ibinibigay sa udyok ng suhol at pagkapit sa malalaki. Siya nang pagyaman ng masasama at paglitaw ng mga palalo. Umasa na ang masasamang ito’y bumago at kusang bumuti ay malaking kamalian. Ang mga ito’y katulad ng hunyango na bumabagay sa kulay ng kahoy na dinadapuan. Ang lunas na kinakailangan upang huwag mangyari at masunod ang papaganitong kasamaan ay wala kundi ang pagliliwanag ng isip ng Bayan at ang bagong pag-uugali.

Ang mga kautusan nga, dahil nagbubuhat sa loob ng Bayan, ay unang dapat na igalang at sundin bago ang mga Pinuno pagkat ito’y mga katiwala lamang ng pagpapatupad ng kautusang ito. Ang dating masamang ugali na ang pagkahukom ng hukom ay siyang kauna-unahang binibigyang halaga ay pinanggagalingan ng malalaking kasamaan pagkat napupuwing ang katwiran, at ang mga kautusan.

Dapwat baguhin ang ugali, samakatwid, pahalagahan ang mga kautusan na una sa lahat, palibhasa’y bunga ng nais ng kalahatan; at ang mga hukom, kung ibig na manatili sa pagkahukom ay pilit na gaganap ng wastong katwiran, at sa aba nila! Kung ang nalalaban dito ang siyang aakalain.

Wala na kundi ang kaginhawahan ng Bayan ang tunay na sanhi ng alinmang kapangyarihan sa ibabaw ng lupa. Pagkat ang Bayan ay siyang lahat: dugo at buhay, yaman at lakas, lahat ay sa Bayan. Ang mga kawal na naghahandog ng buhay ay sa pagta-tanggol ng buhay ng lahat ay taganas na Anak ng Bayan.

Ang kayamanan ng Gobyerno ay nanggagaling sa mga Anak ng Bayan; ang laki at tibay ng kapangyarihan ay sa pagkilala’t pagsunod ng sa Bayan nagbubuhat; at ang tungkol ikinabubuhay ay ibinibigay na lahat ng Anak nh Bayan na nagpapabunga ng lupa, nag-aalaga ng mga hayop, at gumagawa ng mga sangkap at gamit na lahat sa kabuhayan.

Sapagkat ang Bayan nga, upang manatili at mabuhay, ay nakita na nating nangangailangan ng isang pinakaulo o Gobyerno, nauukol din naman ang magkaloob dito ng mga ambag na kinakailangan, na kung wala ay hindi maaari, bagama’t ang mga buwis o ambag ng Bayan ay sa tangi at lubos na kapakinabangan ng lahat dapat na gamitin.

Ang Maling Pagsasampalataya

Sukat na sa mga isip na bihasang magnilay-nilay ang sampalataya upang malirip na malinaw na ang pinakahaliging ito ng naugaliang pagsamba ay nalalaban sa kabaitang matalino at gayundin sa talaga ng Diyos.

Sa katunayan, ang kahulugan ng pagsampalataya ay ang pikit na paniniwala sa sinasabi ng iba. At ikaw na bumabasa nitong walang ayos na mga lakad: Di mo baga naaabot na kung ang pagkamulat ay madalas na maligaw sa landas ng kabuhayan ay di lalo na nga ang nakapikit?

Nalalaban din naman talaga sa Diyos pagkat ang tao’y binigyan niya ng pag-iisip upang magamit ang pagkilala ng totoo’t di-totoo, ng matwid at di-matwid, ng mabuti’t masama. Datapwat dahil sa maling pagsampalataya’t pikit na paniniwala, ang pag-iisip ay pinahihimbing at di ginagamit sa mga pinaglaanang ito ng Maykapal.

Gayunma’y mga ulong pinamamahayan diumano ng karunungang buhat sa langit ang siyang nagkakalat at umaalalay nitong likong pagpatay sa lalong mataas na biyaya sa tao na gaya na nga ng pag-iisip.

Ang sanggol, liban na lamang sa sanggol, ang mababaga-yan ng paniniwala sa sabi ng iba na wala nang pagdili-dili. Ito na nga ang isang dahil pa ng mga paghihirap at hinagpis, at ang Bayang Tagalog, di pa nalalaon at lubos nang nakaramdam ng mga kasakit-sakit at kasindak-sindak na nasasapit kung ang kamaliang ito’y pinapangangapit sa mga pag-iisip na mapapaniwalain.

Mga hunghang at palamarang alagad ni Kristo, kung tawagin, ay nangahas na binaluktot ang matuwid at binalot ang lupa sa dilim; at ang mga pag-iisip ay nangabulag at nalumpo ang mga loob. Ang sapin-sapin at walang patid na mga alay at ambag sa simbahan ay dinadala ng maling pagsasampalataya; mga alay at ambag na ipinatu-tungkol sa langit ngu-nit tinatamasa ng mga lilo sa lupa at nagiging balong walang-hangga ng mga kayamanan at kataasang di-magunita.

Kinakailangan pa kayang isaysay ang sarisari’t di-mabilang na mga katampalasanan at madlang upasala’t sigalot na ibinubunga ng mga ugalint ito? Inaakala kong hindi na sapagkat talastas na ng lahat. At sakali mang may mga matang naalimpungatan pa sa maha-bang nagdaang pagkahimbing, at ang kahirapang binata ay ibubu-hat na lahat sa kasamaan ng nagpapanggap na mga alagad ng Diyos, sukat na lamang ang masdan ng mga matang iyan at tantuin na ang mga kasama-an nila’y walang nagawang ano pa man kung ang bayan ay natutong magbulay-bulay at kumilala ng kapalalua’t kasakimang dinamitan ng kabanalan, ng natatagong ulupong na mabangis sa maamong balatkayo ng kabaitan.

Kung ang sasabihin naman ay dahil sa siyang kinagisnan sa magulang at naging ugali, hindi lahat ng ugali ay mabuti at ang pagsunod sa Diyos ay ang pag-alis ng masasamang ugali. Anung laking pagkalihis sa daan ng katotohanan at tunay na kabanalan! Mga taong tinatawag na tunay na Kristo ay walang sinusunod na isa mang aral ni Kristo. Ang buong pagka-Kristiyano’y ipinatatanghal – paimbabaw ng kabanalan at palalong ningning at pagpaparangya.

Hanggang kailan mabubuksan ang mata mo taong binigyan ng pag-iisip at itinangi sa sangnilalang? Kung ang kaputol na kahoy ay gagawing anyong tao, maaaring pagkamalan ng sinumang maka-kita; datapwat anuman ang katalinuhan ng gumawa, ang kahoy ay kahoy din ang kauuwian. Gayundin naman, liban na lamang sa tunay na sumusunod sa mga aral ni Kristo, walang matatawag na tunay na Kristiyano anuman ang gawin at kasapitan.

Ngunit si Krito ay walang sinabing anuman sa mga ipinag-uutos at ginagawa ng simbahan (anang mga alagad ay simbahan ni Kristo). Ang sinabi ni Kristo ay ito: “Kayo’y magmahalan. Kayo’y magkakapatid na lahat at magkakapantay.”

At ang pagmamahalang ginawa ng Kristiyano ay ang pag-aapihan at pagdadayaan. At ang magkakapatid at magkakapantay, unang-una na ang mga alagad, ay mag-aagawan ng kataasan, kaya-manan, at karangalan upang masila ang maliliit at mga maralita.

Sinabi ni Hesuristo: “Ang nagpapakalaki ay hahamakin at pupurihin ang nagpapakaliit.” (Kap. XIV. N) Datapwat ang sabing ito’y pinawi sa alaala ng mga kalakhang maraya na kumalat at pumuno sa lupa.

Sinabi ni Hesukristo sa nagsisipagsalita sa Kanya ng mga kayamanan at magagandang batong hiyas ng simbahan: “Ang lahat ng iyang nakikita ninyo ay darating ang araw na walang matitira na di malilipol.” (Kap. XXI) At kayong binubulag ng kadiliman, na mga binyagan kay Kristo, sa inyong mga simbahang lipos ng ningning at kapalaluan: Di baga ninyo nakikita na ang inyong mga gawa ay nalalaban kay Kristo pagkat siya Niyang itinatakwil at isinumpa?

Minsang pumasok sa simbahan ay Kanyang ipinagpatabuyan ang lahat ng doo’y nagbibili at bumibili. “Nasusulat,” anya, “na ang bahay ko’y maging bahay ng kabanalan; ngunit inyong ginagawang yungib ng mga magnanakaw.” (Kap. XIX) Inyong masdan, kayo’y maghaka-haka at sandaling gunitain ang mga pilak na pumapasok sa simbahan, saka ninyo sabihin kung tunay ngang simbahan ni Kristo.

Laging kinakaaway ng dili-dili itong kahambal-hambal na pagkalihis ng mga pag-iisip at di-miminsang itinanong sa sarili kung hindi na matatapos ang kalagayang kalungkot-lungkot at kasakit-sakit, kung ang lakas ng kaliluhan ay hindi na madadaig ng wastong matwid. Ngunit nalalaban sa dakilang kabutihan ng Maykapal ang mamahay sa ganitong akala. Pagkat kung ang lahat ng sama at di-katwiran, ang lahat ng hirap at dusang walang katapusan ang siyang pamumuhayan ng tao sa habang panahon, ano’t bakit pa Niya nilikha? Hindi nga sa Maykapal naroroon ang kadahilanan kundi sa tao din na binigyan ng lahat at bawat isa ng pag-iisip at loob na inaakay ng kamaliang anaki’y totoo at unan ng kasukabang aaki’y banal.

Upang tamuhin ang hinahanap na ginhawa ay kinakaila-ngang lubos ang pag-aaral na kumilala ng matwid at di-matwid, ng daya at tunay, ng magaling at masama ng dapat ipagkapuri at dapat ikahiya, ng nagbibigay-lakas at nagbibigay-sakit.

Upang mangalaman na kapatid kay Kristo ay kinakailangang lubos ang pag-aaral na kumilala ng matwid at di-matwid, ng daya at tunay, ng magaling at masama, ng dapat ipagkapuri at dapat ikahiya, ng nagbibigay-lakas at nagbibigay-sakit .

Upang mangalaman na kapatid kay Kristo ay kinakailangang tumulad sa Kanya sa kabanalan, kabaitan, at pag-ibig sa kapwa. Hindi kinakailangang gumanap ng ganito’t gayong mga pagsamba at mga santong talinghaga. Saanman dumoon ang pusong malinis na pinamamahayan ng magandang nasa at ng matwid ay naroroon si Kristo – binyagan at di-binyagan, maputi’t maitim man ang kulay ng balat.

Di nalilingid sa akin na ang mga saysay ko’y magbigay-pangamba marahil sa mga loob ng iginawi magbuhat sa mga unang araw ng kasanggulan sa malig pagsampalataya.

Datapwat tumahimik ang mga loob na ito pagkat ang aking talagang pakay ay hindi nalalaban kundi naaayon sa kalakhan ng Diyos at kabutihan Niyang di pa nalilirip sa panahong ito. Ang aking kinakalatan ay nasa lupa – ang kasukaban ng mga alagad at ang kabulagan ng mga inaalagaan.
Sa katunayang hindi naaabot ng tao ang kalakhan at kabuti-han ng Diyos ay nangapit sa itinurong paniniwala na lahat ng mang-yayari ay talaga Niya, masama’t mabuti, at sila rin namang kumikilala na lamang ang masama, na ang kinauwian ay itinulad sa tao – hamak ang Puno’t mula ng lahat ng nilalang.

Kung ito’y di gawa ng pikit na isip ay ngalanan na ninyo ng kahit ano, datapwat huwag tawaging kabanalan.

And Diyos ay walang tinalagang masama pagkat ang kabu-tihan Niya’y walang katapusan. Ang masama ay tayo; ang lahat ng mga hirap, hinagpis, dalita, at kaabaan ay pawang kasalanan natin.

Sabihin ninyo sa tamad ang kanyang pagdaralita, at ang isasagot ay umaasa sa talaga ng Diyos. Ngunit ang talaga ng Diyos ay magdalita ang tamad.

Sabihin ninyo sa isang bayang namumuhay sa pagkaamis at niluluoy ng kasibaan at kayabangan ng mga Pinuno, at isasagot na sumasang-ayon sa talaga ng Diyos. Ngunit ang talaga ng Diyos ay maghirap ang mga bayang di marunong magkaisa sa paglalaban ng katwirang biyaya ng Makapangyarihan sa lahat.

Inyong masdan: Nariyan at nakaluhod, nananaiangin at nag-papasalamat sa Diyos sa di-mabilang na mga kayamanang ito na kinamkam sa mga paraang balawis?

Ay! Ang maling pagsasampalataya ay kauna-unahang naging dahil ng di-maulatang mga kasamaang nangyayari sa lupa!

Kung lahat ng mangyayari ay talaga ng Diyos, ang nagnana-kaw at pumapatay sa kapwa ay hindi dapat parusahan pagkat siya’y di makasusuway sa Makapangyarihan sa lahat na tumalaga ng pag-gawa niya ng kasalanan. Sa paraang ito, ang masama ay muli’t muling gagawa ng kasamaan dahil ang kanyang mga gawa ay ibinubuhat sa talaga ng Diyos. Di nga sukat kamanghaan ang laging paghahari ng di-matwid!

Ang kalakhan sa langit ay di nangangailangan ng anuman sa lupa. Ang Diyos ang siyang Ama ng Sangkatauhan at ang hanap ng Ama ay hindi nga ang anak na lagi na’t sa tuwing sandali ay nagsasabi ng kanyang paggalang takot, at pag-ibig kundi ang gumanap at sumunod sa matwid at magandang utos Niya.

Ang tunay na pagsasampalataya, paggalang, pag-ibig, at pag-sunod sa Diyos, samakatwid, ang tunay na pagsamba, ay ang pagga-lang, pag-ibig, at pagsunod sa katwiran. Isusukat dito ang bawat gawa, pangungusap, at kilos dahil ang buong katwiran ay nagmu-mula at namamahay sa kalakhan, at pagka-Diyos ng Diyos.

Dito nga sa tunay na pagsampalatayang ito nabubuhol ang pag-ibig at pagganap ng tunay na kalayaan at pagkakapantay, at gayundin ang pag-ibig at pagdamay sa kapwa ng dala. Sa pag-ibig at pagganap ng tunay na Kalayaan at pagkakapan-tay nagbuhat ang pagkakaisa – ang binhing tangi ng ng kasipagan, lakas, kapayapaan, at ginhawa.

Sa pag-ibig at pagdamay sa kapwa nagbubuhat ang tapat na loob at ang pagkakawanggawa – ang bulaklak na maganda ng mga pusong banal at matamis na lunas ng may sawing kapalaran.

Ang pagsampalatayang ito’y walang nililinisan, binyagan at di-binyagan, anuman ang lahi, kulay, at salita, pagkat siyang tunay na pagsampalataya sa Diyos at magaganap ng lahat ng tao na pawang anak Niya.

Naririto ang pagsasampalataya na aking inaaring tunay at naaayos sa talaga ng Maykapal. Kung ako’y namamali, maging dahilan nawa ng aking kamalian ang tapat kong nasa.

Ang Gumawa

Ngunit kung mahinahon nating pagbubulay-bulayin ay maki-kitang maliwanag na ang gumawa ay hindi parusa at hirap kundi pala at kagalingan na ipinagkaloob ng Diyos sa tao bilang alaala ng di-matingkala Niyang pag-ibig.

Ang gumawa ay isa sa malaki’t mahalagang biyaya pagkat sa pamamagitan nito ay nagigising at nadaragdagan ang lakas ng isip, loob, at katawan, mga bagay na kasanib at kinakailangan ng kabuhayan.

Anang mga banal na kasulatang pinagmulan ng pagsamba ng kakristyanuhan, ang gumawa o magtrabaho ay parusang ibinigay ng Diyos kay Adan na ama ng sangkatauhan dahil siya’y kumain ng bunga ng kahoy na ipinagbawal sa kanya; parusang minana ng ating mga anak.

Datapwat ang sabing ito ay maling-mali at nalalaban sa talaga ng kakristyanuhan, ang gumawa o magtrabaho ay parusang ibinigay ng Diyos kay Adan na ama ng sangkatauhan dahil siya’y kumain ng bunga ng kahoy na ipinagbawal sa kanya; parusang minana nating mga anak.

Ang gumagawa ay nalalayo sa buhalhal na kasalanan, maru-ruming gawi, at kayamuan; nagtatamo ng aliw, tibay, ginhawa, at kasayahan.

Masdan natin ang naturang mayayaman, malalaki, at mapagmarunong na mga layaw at sa ilalim ng kanilang ipinakiki-tang ginhawa, ningning, at kasaganaan ay nananaig ang lalong matinding pagkasuya at yamot, kahinaan at kapalaluan, kasabay ang masasamang gawi na pinanggagalingan ng mga sakit at utay-utay na inuubos ang kanilang buhay.

Anung laking katotohanan ang sinabi ng ating si Baltazar sa kanyang mga tula:

“Ang laki sa layaw karaniwang hubad, Sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”

Iniibig ng Diyos na tayo’y magtrabaho pagkat kung tayo’y nilibiran ng buong kailangan at kasaganaang aabutin na lamang natin at sukat, tayo’y walang salang lalong malulugmok sa lalong kahamak-hamak at kasuklam-suklam na kabuhayan, na tungo sa pagkalipol ng ating pagkatao.

Ang lahat ng pinakikinabangan, ang balang ikinabubuhay at ikinaiiba sa hayop ay siyang kinakatawan at ibinububunga ng paggawa na nararapat ng kapalagang hindi masisinsay sa matwid.

References

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.